Dear Daddy,
Now Playing: Guardian Angel (Acoustic) - The Red Jumpsuit Apparatus
Daddy, Miss na miss na kita. Hindi mo lang alam kung gaano ka namin namimiss, walang araw ang hindi ka naman naiisip. Lalo na si mommy, itong parating na Death Anniversary mo.. mas lalo kami na lulungkot kasi wala ka na ng matagal.. :( Hindi ko mapigilan ung luha ko kasi may mga bagay akong gusto sabihin at iparamdam sayo na hinding hindi ko na magagawa. Nabibigyan ko ng gifts si Mommy na minsan naiisip ko dapat ikaw din merong gift.
Sana hindi mo kami agad iniwan alam ko na masaya ka na at hindi ka na ang hihirap sa sakit mo jan, pero may mga bagay talaga na hindi ko maiwasang maramdaman at yun ang mamiss ka. Ang pagluluto mo ng kung ano ano, ang pagbabayad mo sakin kapag mag lilinis ako ng bahay. Pag aasikaso samin na kahit kailan di na namin mararamdaman. Ang pag mamahal mo na hindi namin malilimutan.
May mga bagay na nangyari sa buhay ko noong nakaraang taon na sana kung andito ka, ipagtatanggol mo ako, hindi mo ako hahayaan na inaapi ng ibang tao. Kahit naging mahigpit kang magulang at lagi kaming dinidisiplina mahal na mahal kita. Alam mo ba, pinagkwe-kwentohan namin un nila Mom at Aj, lalo na yung nilagay mo sa sako si Aj at Nilaga yung mga laruan nya pero(Pinalitan mo ng tubig na malinis yung Ipinainum mo sakanya..)
Alam ko na ngayon bakit ka mahigpit samin na dati hindi ko maintindihan kahit minsan.. Gusto mo lang kaming maging mabuting tao, mabuting mamayan at mabuting anak and Dad, I may not be perfect but I know that you are very proud of us. Kasi hindi kami gumagawa ng masama sa kapwa namin. At gumagawa kami ng mabuti para sa Family natin.
Minsan sa mall Lalo na pag mag isa ako, at kumakain at nakikita ko ung mgakumpletong pamilya, naiingit ako, pero sabi ko sa sarili ko, "I onced experienced that and it was the best moment of my life".
Mahal na mahal ka namin Daddy. Hindi-Hindi ka mawawala sa puso at isipan namin, kahit anong mangyari.
Comments